![](https://i0.wp.com/makabayan.ph/wp-content/uploads/2024/12/makabayan-cover-photo-lidasan.jpg?resize=1708%2C750&ssl=1)
Assalamu Alaikum… Ako po si Amirah Ali “MEK” Lidasan, isang Moro mula sa tribung Iranon ng Maguindanao. Aktibista hindi terorista!
Mula ako sa grupo ng Moro-Christian Peoples Alliance at Sandugo Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination. Tumatakbo ako bilang kinatawan ng Moro at Katutubo, at dadalhin ang aming sektor bilang bahagi ng Taumbayan Sa Senado.
Ipinanganak ako noong ika-23 ng Setyembre 1974, isang araw bago ang Palimbang massacre sa mga Moro ng Sultan Kudarat, Mindanao. Niluwal ako sa mundo kung saan kaliwa’t kanan ang masaker na nangyayari sa Bangsamoro.
Katulad ng marami sa inyo, ako ay biktima ng paglabag sa karapatang pantao ng gobyerno ng Pilipinas. Nasaksihan ko ang sapilitang pagpapalayas at pagbakwit ng aking mga kamag-anak at mga kababayan dahil sa Martial Law at All-Out-War sa Mindanao, at mga mapaminsalang proyekto tulad ng dams, minahan, plantasyon at iba pa sa aming mga komunidad.
Ngunit, nasaksihan ko rin ang katapangan ng mga pamayanang Moro at Katutubo na ipagtanggol ang karapatan at lupang ninuno. Dito ako namulat na makatarungan ang makibaka para ipaglaban ang aming mga karapatan.
Kaya ako naging manunulat dahil gusto kong ipakita na ang Bangsamoro ay hindi masama at hindi dapat katakutan. Ito ang isa sa aking naging paraan upang ilantad ang reyalidad na aming kinakaharap. Naging aktibo rin bilang estudyante sa pakikibaka para sa karapatan ng mga Moro kung kaya naging bahagi ako ng konseho ng aming kolehiyo sa College of Mass Communication bilang Chairperson at National Chairperson ng National Union of Students of the Philippines.
Nagpatuloy ang aking paglaban sa labas ng unibersidad nang makapagtapos ako ng aking pag-aaral. Sinubukan kong pasukin ang larangan ng politika nang mahalal bilang first nominee ng Suara Bangsamoro noong 2004. Isa itong hakbang na ating ginawa upang makamtan ang hinahangad na representasyon sa ating bansa na magtataguyod sa interes ng mga Moro. Hindi tayo pinalad makapasok sa unang pagkakataon ngunit hindi ito naging alintana sa muling pagsubok noong 2007. Noong 2022, naging third nominee naman ako ng Bayan Muna Partylist. Bagaman hindi tayo nagwagi sa mga pagkakataong ito, hindi ito naging hadlang upang tumigil sa pakikibaka para sa karapatan ng mga Moro.
Bilang tagapagtaguyod ng karapatang-pantao sa loob ng mahabang panahon, naninindigan ako sa paggiiit na karapatan nating mabuhay nang marangal, mapayapa, at magkaroon ng maayos na kabuhayan sa loob ng ating lupain at teritoryo.
Karapatan din nating magbuo ng mga organisasyon at samahan, at magprotesta laban sa mga pang-aabuso at mapanirang proyekto.
Karapatan nating magpahayag, magreklamo, at tumuligsa sa mga pang-aaping araw-araw nating dinaranas.
Kaya’t, panawagan ng Makabayan. Ibasura ang Anti-Terrorism Law. Buwagin ang NTF-ELCAC. Itigil ang pamamaslang, red-tagging, terrorist labelling, gawa-gawang kaso, pagdukot, iligal na pag-aresto at detensyon. Kailangan nating isulong ang mga panukalang nagtatanggol sa ating karapatan, tulad ng Human Rights Defenders Act at People’s Mining Bill.
Dapat din nating itaguyod ang mga karapatan naming mga Katutubo at Bangsamoro para sa sariling pagpapasya at sa lupaing ninuno at teritoryo.
Dapat nating labanan ang militarisasyon sa kanayunan at kalunsuran, pati na ang walang habas na pambobomba sa ating mga komunidad, ang pagbili ng gobyerno ng mga eroplanong pandigma at iba pang armas pandigma na ginagamit laban sa mamamayan at sumisira sa ating mga komunidad.
Kailangang panagutin ang mga nasa likod ng paglabag sa karapatang pantao at international humanitarian law. Kung walang hustisya, mananatiling walang tunay na kapayapaan sa ating bansa.
Nguni’t mga taumbayan, ang mga karapatang ito ay hindi kusang binibigay ng gobyerno o ng mga makapangyarihan. Naniniwala akong dapat natin itong igiit at ipaglaban.
Sa tulong ng Koalisyong Makabayan at ng lahat ng progresibong organisasyon, partylist, at indibidwal, hinihimok namin kayong ipagpatuloy ang laban. Ipagtanggol ang Karapatan! Itaguyod ang tunay na Kapayapaan! Payabungin ang ating Kultura!
Sa loob at labas ng Kongreso at Senado, mananaig ang taumbayan! #MoroKatutuboSaSenado! Taumbayan Ipanalo!
Muli po, ako si Amirah Ali “MEK” Lidasan. MEK Lidasan para sa taumbayan. MEKitHappen!
Maraming Salamat!
Plataporma ng Team Mekithappen
Para sa Karapatan, Kultura at Kalayaan
Amirah “Mek” Lidasan
- Uphold the Right to Self-Determination and Genuine Autonomy of the Moro and Indigenous Peoples
- Review the Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) and the Bangsamoro Organic Law (BOL). Ensure Indigenous and Moro Peoples full participation in national decision-making processes, with mechanisms for genuine autonomy at regional and local levels.
- Protecting Ancestral Domains and Resources from Exploitation
- Enact stronger laws and regulations that safeguard ancestral lands and territories from large-scale mining, energy projects and other destructive industries. Ensure the exercise of Indigenous and Moro communities right to Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) for all development projects, with strict penalties for violations by corporations and state entities.
- Advancing Peace Based on Justice and Demilitarization
- Advocate for peace talks that address the root causes of conflict in Indigenous and Moro territories, particularly militarization and land dispossession.
- Demand the withdrawal of military and paramilitary forces from Indigenous lands, and create transitional justice mechanisms that heal communities affected by state-sponsored violence.
- Justice and fair compensation for the victims of forced evacuation, destruction of houses and properties due to military operations, illegal arrest and detention.
- Promoting Sustainable, Self-Determined Development
- Support legislative initiatives prioritizing Indigenous-led sustainable development programs in agriculture, education, and healthcare. These initiatives should be rooted in traditional knowledge systems, ensuring Indigenous and Moro peoples benefit directly from the natural wealth within their lands and territories while promoting environmentally sustainable practices.
- Upholding Indigenous and Moro Peoples’ Human Rights
- Introduce policies to strengthen human rights protection mechanisms, with special attention to defending the civil, political, and economic rights of Indigenous and Moro Peoples including providing legal assistance, and ensuring accountability for perpetrators.